Wala ng pinaka-nakakasirang gabi kapag nangyari sa iyo ang nangyari sa akin.
Ganito kasi 'yun, galing ako ng gym, siyempre nagbuhat at hindi nagpacute lang. And then umuwi na ako kasi medyo pagod. Tapos nandito yung dalawa kong kaibigan, yung isa sa kanila magpapapicture sa akin. I-fast forward natin ang mga pangyayari. Ay bago tayo magfast forward, umulan habang nagshooshoot kami. Tapos wala talaga ako sa mood nun tapos ang init pa ng singaw ng pesteng lupa yan! So mejo nakakabadtrip na, waley pa yan! haha. Pagod na, mabaho pa singaw ng lupa, at mainit pa sa loob ng bahay kasi nagshooshoot nga kami.
Fast Forward na. Blah blu blah blah ....................................
Play.
Ok. Dumating na sila auntie, lola ko at pinsan kong peste sa kulit. And then Binigyan ako ni auntie ng chocolates. Uhmm Kisses lang. Peste naman! WALEY MANEH?! Walang almond nuts sa loob. Very disappointing. Ito na, bumili pala sila ng Chicken Bucket. So sa akin yung isang manok na malaki parting pwet. Ang sarap, papak lang ako ng balat galing jollibee e. Wala pang kanin, nagsaing ulit kasi naubusan. So punta ako sa harap ng computer. Edit konti ng pics, etc... Mamaya-maya after siguro 30 mins or 1hour, nakapagligpit na pinsan ko ng mga kinainan nila. I approached them, "Nasan na yung manok ko?". Sabi nila Ewan ko. Hinanap ko yung fried chicken ko sa ref. WALEY! hinanap ko sa kalan, WALEY! hinanap ko sa C.R wala pa din. Sa basurahan, wala. Haha! Ayun, peste! Kinain ng hayop. Kinain siya ng pusa namen. Siyempre daldalan na. Uminit na ulo ko. :) Gutom na ako, at sinabayan pa ng init at makalat pa yung kwarto namin kasi nga nagshoot ako. Ok, so naglinis muna ako sa sala, except sa kwarto. Aba! Nasa-isip ko nung mga sandaling iyon ay, dakpin ko ang pusa namin tapos itapon sa malayong lugar.
Part II. Ang Pagdakip kay Muning
Hinunting ko si muning(name ng pusa namen. Hayop toh!). Pumasok na siya sa bahay, pinakuha ko sa pinsan ko. Sobrang init na ng ulo ko grabe. Ang plano ko talaga iligaw ito. Lumabas na ako ng bahay. Naglalakad ako ng matulin. Habang humahakbang ako ay kapwa ko din nararamdaman ang konsensiya ko na nagsasabi: "bitawan mo na si muning". Sabi ko hindi! Kailangang matigil na ang ginagawang kahayupan ng hayop na ito. Kumakain ng ulam ng may ulam. Ay bago nga pala ang PART II. na ito, tinext ko si mommy ko: "Me, tatapon ko na si muning sa malayo. Ililigaw ko." She replied naman: "Wag, kawawa naman si muning. hehe. papasalubungan nalang kita. Ganyan talaga siya kapag hindi nakakakain". Aba! May point nga pala si mommy. Anyways, ayan na. malayo na ang nalalakabay ko. Isang kanto. LOL. Approx. 30 to 50 metres palang nalalakad ko binitiwan ko na si muning. Nahabag talaga ako. Sabi ko sa sarili ko, bahala ka na sa buhay mo. Medyo malapit lang sa bahay namin yung pinagbagsakan niya. Sa palagay ko nga ay makakabalik pa siya. Nung pagkabagsak ko sa kanya sa simento, sakto may pusa, nagaway ata sila nun. Then umikot ako sa isang kanto. Nakokonsensya talaga ako.
PART III. McDelivery Online V.S Jollibee Online Delivery
Paguwi ko ng bahay, nagorder ako ng something to eat basta chicken sa McDelivery Online. Nagregister muna. Sabik na sabik na ako. :)) Tapos, tumawag na sa cell phone ko yung call center agent nila para sa confirmation. Naku! Hindi daw pwede ako makaorder kasi sumabog daw yung factory nila at sampu ang dinala sa hospital. Biro lang! :). May something na pa - special effect si girl. BWISIT! Ito namang si Jollibee, punta ako sa site nila, tapos 9:00PM na sakto, boom! Arrgh! Closed na daw. Until 9pm lang daw sila. HAHAH! Mahusay itong dalawang fast food chain na ito. Kabwisit!
Nagligpit na ako ng mga kalat ko sa kwarto, then bumili ng ulam, Barbeque. Kumain, naglinis at nagshower. tinext ko pa sila Ate Keng (pinakamagandang ate ko sa church) at yung dalawa ko pang kaibigan na sila angela at camille. After all, ayun! Masaya na ulit ako. Thank God(i-bold natin, special Siya sakin e. ;) ) Mamaya maya, yehey! Nakabalik na si muning! haha. Pero may kaunti pa ding puot akong nararamdaman nung mga sandaling iyon. After 1 sec. wala na. Sinipa ko kasi siya sabay halik... Joke.
Lesson learned: Kasalanan ko din naman ang lahat. Naforced lang ako na itapon si muning kasi nabasa ko sa internet na, "Studies have proven that if you died in your own house and your cat is there, he'll eat you and then leave your house, but if your dog is beside your own body, he will protect you. " Owww. Sweet. Totoo naman. Love ko dogs. I miss you Jun Pyo. (Aso ko, namatay sa pesteng Distemper Virus)
Oh siya!
Happy Blogging!
glenn