Ang Aking Katangahan...
Akala ko hindi ako magkakamali kahit isa sa una naming pagsusulit sa isang subject na ___. (nakakahiya naman kasi kapag sinabi ko, baka sabihin niyo bobo ko naman. eh totoo naman. wahaha) Nung bago ipasa yung papel ko kawy master professor, chineck ko muna. mga dalawang beses. Tatayo na ako, tapos biglang upo. 1+2=3, 1+1=2. Ayos, sabi ko. Tama naman. Tayo ulit, tapos biglang upo ulit. 1+1-1=1. Ayos ulit. Sige na nga. Ay teka, check ko given, 123456, ayos naman. Ok na ito. sabi ko.
Nang ibalik sa amin ang papel, walang ya! May isa akong mali? Haay nusko naman! haha! Ok lang. Natutunan ko na: "kahit anong pag-iingat mo, kapag hindi ka nag-ingat, yari ka!" . ehehe
Part II. ng aking katangahan.
Dala ko ang laptop kanina. Nag-quiz ulit kami sa secret subject ko. Then, nagpasa na ako ng papel. Yung iba nagsasagot pa. (pineperfect nila). Punta kami ng C.R para magpalit ng uniform. P.E na kasi namin. "blah blah blah blah. Hubad ng __ at hubad ng ___. Pulbos dito. Wiwi dun. And so on. One more thing... Isusuot ko na ang "MAHIWANG BULOK NA CONVERSE ko!". Tadaaaaan! Nagulat ako kasi naiwan ko pala dun sa room. Ay engot ni Glenn! Nagpahatid nalamang ako dun sa field. Sa ilalim ng puno. Kunwari nag-aaral. Tinatakpan ko ang sapatos ko. P.E ang suot tapos black shoes ang sapatos. Bongga! Tapos ayun, naisauli din sakin ang rubber ko.
Part III.
Ang init. Tambay muna sa victory mall. 15 mins. alis na. Punta na sa sakayan. Walangya talaga! Ang init sa dyip. Pagdating sa dapat puntahan, bumili ako ng ZAGU! awuu! :]. Habang naghihintay, kumuha ako ng pulbo, ipinahid sa mukha. Then uwi na. Pagbaba ko ng tricycle... tumingin ako sa van para magsalamin...tapos ayun, ang dami kong pulbo o pulbos (ano ba pinagkaiba nito?) sa mukha ko. Wala lang. nakakahiya. biruin mo, kanina pa may pulbos sa mukha ko. wahaha.
sana basahin ninyo yung next post ko. hindi ko maipost kasi may exams pa. maganda un. sigurado ako. madaming tatamaan. wahaha.
Sharing is so Easy: |