Hi, I just want to share it with my readers. This was from symbianize.com
Thread Owner:
arvs0z
Na-conclude ko lang, grabe talaga ang nangyayari sa pyramiding/networking. Sabi na nga ba e, tama si mommy :"> Buti nalang at hindi ako nabibiktima ng mga ganito.
So, NETWORKING ba? Say no na! xD. Bahala kayo. Read nyo nalang ito.
It has come to my attention na dumadami na ang posts dito not only sa Business and Employment section pero all over Symbianize, regarding bogus job openings / ways to earn.
Before making appointments with the person, please make sure na
Checklist: Dapat may
May Company Name
May Company Address
Kung ayaw nilang ibigay yung dalawang vital data sa taas, then BEWARE. Malamang isa itong KIDNAP FOR A NETWORKING COMPANY'S ORIENTATION.
May 3 Companies ngayon na sikat at active sa recruitment ng mga tao for direct selling. DXN, Unlimited Network of Opportunities, Legacy for Life. Although U.N.O. and L.F.L. mostly targets high school and college students.
MLM (Multi-Level Marketing) o Networking ang tawag dito. In short, this is Pyramiding. Pero hindi ito scam. Ang panget lang talaga dito is they trap their clients using incomplete job details (ie "Earn 50k/month", "Students, earn P5k/week, choose your own sched!") and keep on forcing their recruits na sumali sa company nila.
Panong trap? After asking for details kung san kayo pwede mag meet, papapuntahin nila kayo sa SM Megamall (for UNO) or other places tapos magcoconduct sila ng introduction doon. WHICH BASED ON MY EXPERIENCE, LASTED AT LEAST 7 hours! Pag di ka naconvince, magpapapasok lang sila ng magpapapasok ng taong sisigaw ng "MAY KOTSE NAKO DAHIL SA UNO", etc.)
Mageendorse pa sila ng methods para makapagbayad ka sakanila like USB (Utang, Sanla, Benta) and KKK, atbp.
Maayos naman SANA to because sa case ng U.N.O., yung P7,300 na ibabayad mo, may kapalit na products na pwede mong ibenta. At marami pang perks and privileges.
Pero take note: Mali yung sinasabi nilang YOU CAN EARN UP TO P50000 / month. Unless isa ka sa mga 10 hours kung magrecruit ng bagong victim. Kung may kikitain ka, 70% nito ay UNO gift certificates para lang makabili ka ulit ng products nila na hindi masyadong patok nowadays. (ako kumikita nalang ako ng maliit sa reloading sim na kasama sa fuckage ng UNO)
AT YUNG UPLINE KO BEFORE muntik kasuhan ng isa sa mga downlines nya dahil nagresearch eto at naipaverify sa authorities na ang PERMIT NG U.N.O. FROM THE SECURITIES AND EXCHANGE COMMISSION and DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY ay for DIRECT SELLING PURPOSES ONLY. Wag kayong maconvince kung pakitaan kayo ng mga permits, di ito valid sa MLM methods nila.
Pairing? Referrals? Di alam ng government na ginagawa iyan ng UNO. If ever na maisa-legal man to, against naman ako dun sa mga pagpilit sa nabiktima.
Message ko lang sa mga ka-UNO and other networking recruiters: PLEASE, we are one family here. Huwag natin i-advertise ang MLM Companies natin dito without giving out complete details kasi marami ang nadedeceive. Maawa kayo sa ibang nagdala pa ng mga papeles at nag-business attire pa tapos papauntahin nyo sa 7-HOUR LONG ORIENTATION nyo na puro pekeng sigaw ng "WOW ANG LAKI NG KITA!", "GRABE TALAGA!", et cetera.. Dun lang tayo sa mga may gusto talagang mag venture into this kind of business.
Please guys maawa kayo. Ako naaawa na sa mga nirecruit kong wala nang kinikita at eto nalang siguro ang magagawa ko para makabawi.
Di ako bitter sa U.N.O. kahit P2,000 + 1 bottle of Glutathione tablets lang bumalik sakin. Pero yun lang, ayokong may dinadamay pa silang ka-symbianize.
WATCHLIST
Unlimited Network of Opportunities (UNO) - Offices at Ortigas, Pasig and Cebu
Legacy for Life (LFL) - Main office at Ortigas, Pasig
Herbalife - Head office at Makati City
Frontrow - Head office at Tomas Morato, Quezon City
Royale Business Club - Head office at Quezon Ave., Quezon City
AOWA - In various shopping centers / branches nationwide