www.flickr.com

Naaalala mo pa ba?

Saturday, January 30, 2010 Posted by Glenn 3 comments

Naaalala mo pa ba? Ako oo.

•Naaalala mo pa ba... noong uso pa para sa atin ang mga larong kalye? kagaya ng "bang-sak, langit-lupa, patintero na may patotot pang nalalaman"? Ako oo.

•Naaalala mo pa ba... noong uso pa ang "gameboy" at sega na di-uling na ngayon ay napalitan na ng PSP? Ako oo.

•Naaalala mo pa ba... noong bata ka pa, ang "telebisyon" ay may di-ikot na lipatan ng channel na ngayon ay uso na ang remote at LCD na? Ako oo.

•Naaalala mo pa ba... noong hawak hawak mo ang 3 1/2 " na floppy disk na ngayon ay napalitan na ng mga nagliliitang mga memory cards at mga flash drives? ako oo.

•Naaalala mo pa ba... noong mahal pa ang mga cell phone unit na 3210? na uso pa ang larong "snakes" na ngayon ay nasapawan na ng mga nag-gagandahang mga iPhones? ako oo.

•Naaalala mo pa ba... noong ang music player natin ay ang ating mga radyo at mga cassette na something like that :] na ngayon ay natabunan na ng mga mp3, Ipod, mp4 at iba pa.? ako oo.

•Naaalala mo pa ba noong nandiyan pa ang tambayan natin na mga puno na ngayon ay tinayuan na ng mga bahay o pabrika at ikaw ay nanibago bigla? ako oo.

•Naaalala mo pa ba noong alam mo pa na kahit tanghali na ay makakakuha ka pa ng vitamin D mula sa araw na ngayon ay hanggang 8AM nalamang? ako oo.

Ang bilis nga naman ng panahon. Marami ang nagbabago at patuloy na magbabago. Isang kisap lamang ng ating mga mata ay malaking oras na ang nagdadaan.

Sharing is so Easy:
StumpleUpon DiggIt! Del.icio.us Blinklist Yahoo Furl Technorati Simpy Spurl Reddit Google Twitter FaceBook

Labels:

How to know your TYPING SPEED?

Friday, January 29, 2010 Posted by Glenn 0 comments

Want to know how speed is your typing skills? Well, here it is...

First of all, here is my speed. (Typing speed unit is wpm or WORDS PER MINUTE)

"Your speed was: 58wpm.

You made 3 mistakes, your mistakes are shown in bold text:

The first time I laid eyes on Terry Lennox he was drunk in a Rolls-Royce Silver Wraith outside the terrace of The Dancers. The parking lot attendant had brought the car out and he was still holding the door open because Terry Lennox's left foot was still dangling outside, as if he had forgotten he had one. He had a young-looking face but his hair was bone white. You could tell by his eyes that he was plasterred to the hairling, but otherwise he looked like any other nice young guy in a dinner jacket who had been spending too much money in a joint that exist for that purpose and for no other."

Please let us know how speed your typing skill is. Let us know what is your typing speed through posting a comment. GOOD LUCK!

PLEASE CLICK HERE TO BEGIN!

Sharing is so Easy:
StumpleUpon DiggIt! Del.icio.us Blinklist Yahoo Furl Technorati Simpy Spurl Reddit Google Twitter FaceBook

Sa Aking Pagtanda (30 Taon Mula Ngayon)

Thursday, January 28, 2010 Posted by Glenn 1 comments

Namulat ako na may mga muta pa sa aking mga mata. Ako ay nagtataka kung bakit malamig sa buong bahay. "Hindi na bale", wika ko. Tumungo ako sa banho at umihi. Nagulat ako dahil sa isang malaking bathtub na-shoot ang ihi ko. Dalian akong naghilamos at nagsipilyo upang magising ang buong diwa ko.

Lakas loob akong humarap sa salamin na napakalaki. At tumindig ang mga buhok ko sa buo kong katawan. Pati sa ibaba, sa mga binti ko, lahat ay nagsitayuan. Nakita ko ang aking sarili. "Aba! Mamang-mama na ako at ang gwapo ko naman!". Nasambit ko. "Teka nga, masilip nga ang kalendaryo". Nang makita ko ang petsa, Martes, ika-14 ng Pebrero taong 2040.

Paglabas ko ng bahay, "WOOW!" Dalawang letrang o sa salitang wow ang aking naibulong. Tinawag akong daddy ng dalawang bata. Maganda at ang gwapo. Hindi na ako nagulat sa nangyaring iyon. PEro ang nakapagpanginig sa katawan ko ay nang narinig ko ang "Honey, Halika Dito!". Pa-cute na sigaw ng isang babae. "Aba! Ano ito? Hindi ba't siya ang pinagnanasaan ko noong ako ay nasa kolehiyo pa lamang?". Lumapit ako sa kanya at nakatikim ako ng isang yakap. "Haay Sarap!" Hindi nagtagal ay pumasok na kami sa aming malaking bahay na fully-airconditioned. Pasimple akong naglibot sa mala-mansyon naming tahanan na kunwa'y kabisado na ang pasikut-sikot dito. Namangha ako dahil isa pala akong mataas na empleyado sa isang malaking kompanya ng anti-virus. At ang isa pa, napag-alaman ko na beterano pala ako pagdating sa photography. "Aba! Astig!". Wika ko.

"Ay oo nga pala, ngayon ay ika-14 ng Pebrero, nagtataka ako kung bakit idineklara ni Noynoy Aquino Jr. na non-working holiday ang araw na ito." Naramdaman ko ang tuwa. Napakasaya pala kapag nakatapos ka at lumaki kang ang estado ng buhay mo ay nakaaangat. At dagdag mo pa kung maganda ang iyong asawa.

Malalim na ang gabi. Nasa kuwarto na ang mga batang sila Glenda at Glenn Jr. Hindi ko pa din maisip kung ano talaga ang nagyayari. Naramdaman ko na lamang ang mainit na yakap ng aking asawa. "Ay oo nga pala! May asawa na pala ako." bulong ko na may kahalong tawa. Valentine's Day pala ngayon kaya ganito ang ikinikilos ng babaen ito. "Honeymoon tayo", malambing na sambit niya. At nang akmang hahalikan na niya ako, biglang ... Blaaaag! Aray! Nahulog ako mula sa aking higaan. Panaginip lang pala ang nangyari.

Ang sarap sa pakiramdam na may ganoong buhay. Kahit panaginip lang iyon, ay sisiguraduhin ko na magiging Computer Engineer ako at bihasa sa photography.


Wala lang. May maipost lang. Nagtype within 5 mins. Haha! 25/25 ako dito. Yabang ko talaga :]]. hahah. Note ni ma'am :May angking galing sa pagsulat! (di nga?) hehe.
oi ah, 25/25 din ako sa unang sulatin. Ayaw ko lang ipost dito. ^^

Sharing is so Easy:
StumpleUpon DiggIt! Del.icio.us Blinklist Yahoo Furl Technorati Simpy Spurl Reddit Google Twitter FaceBook

Labels: ,