Naaalala mo pa ba?
Naaalala mo pa ba? Ako oo.
•Naaalala mo pa ba... noong uso pa para sa atin ang mga larong kalye? kagaya ng "bang-sak, langit-lupa, patintero na may patotot pang nalalaman"? Ako oo.
•Naaalala mo pa ba... noong uso pa ang "gameboy" at sega na di-uling na ngayon ay napalitan na ng PSP? Ako oo.
•Naaalala mo pa ba... noong bata ka pa, ang "telebisyon" ay may di-ikot na lipatan ng channel na ngayon ay uso na ang remote at LCD na? Ako oo.
•Naaalala mo pa ba... noong hawak hawak mo ang 3 1/2 " na floppy disk na ngayon ay napalitan na ng mga nagliliitang mga memory cards at mga flash drives? ako oo.
•Naaalala mo pa ba... noong mahal pa ang mga cell phone unit na 3210? na uso pa ang larong "snakes" na ngayon ay nasapawan na ng mga nag-gagandahang mga iPhones? ako oo.
•Naaalala mo pa ba... noong ang music player natin ay ang ating mga radyo at mga cassette na something like that :] na ngayon ay natabunan na ng mga mp3, Ipod, mp4 at iba pa.? ako oo.
•Naaalala mo pa ba noong nandiyan pa ang tambayan natin na mga puno na ngayon ay tinayuan na ng mga bahay o pabrika at ikaw ay nanibago bigla? ako oo.
•Naaalala mo pa ba noong alam mo pa na kahit tanghali na ay makakakuha ka pa ng vitamin D mula sa araw na ngayon ay hanggang 8AM nalamang? ako oo.
Ang bilis nga naman ng panahon. Marami ang nagbabago at patuloy na magbabago. Isang kisap lamang ng ating mga mata ay malaking oras na ang nagdadaan.
Sharing is so Easy: |
very nice post :]
noong kabataan nga talagang lipatan ng channel..yup naaalala ko pa pati mga larong kalye..
Nakatututwa naman at nababasa ninyo ang aking post ^^.
PEro ayaw ko na bumalik sa pagkabata. ^^