Kwento ng isang Pokpok
Thursday, June 2, 2011
Tingin ng mga kapit-bahay ko puta daw ako. Nagpapagamit, binabayaran. Sabi nila ako daw ang pinakamaganda at pinakasikat sa aming lugar noon. Ang bango-bango ko daw, sariwa at makinis. Di ko alam kung sumpa ito, dahil dito, na-leche ang kinabukasan ko.
Tara! Makinig ka muna sa kwento ko, yosi muna tayo.
Alam mo, maraming lumapit sa akin, nagka-gusto, naakit. Ang hirap pag lahat sa iyo virgin eh. Tinanggap ko naman silang tao, bakit kaya nila ako ginanto. Masakit alalahanin, iniisip ko na lang na kasi di sila taga-rito. Siguro talagang ganoon. Lalo na yung malilibog na foreigners ang nag-pyesta sa katawan ko, na-rape ako.
Sa tatlong beses akong nagahasa, ang pinaka-huli ang di ko malilimutan. Parang maski di ko ginusto ang mga nangyari , hinahanap-hanap ko siya. Tinulungan nya kasi akong makalimutan yung mga sadistang Hapon at Cono. Ah kase, ibang-iba ang hagod nya. Umiikot ang mundo ko sa tuwing ginagamit nya ako. Ibang klase siya mag-sorry, lalo pa at kinupkop niya ako at ang mga naging anak ko.
Parating ang dami naming regalo! May chocolates, yosi! Ano ka! May datung pa! nakakabaliw siya, alam kong ginagamit nya lang ako pero pagamit naman ako ng pagamit.Sa kanya naming natutunan mag-Ingles, di lang magsulat ha! Magbasa pa! Hanggang ngayon, sa tuwing mabigat ang problema ko, siya ang tinatakbuhan ko. Yun nga lang, lahat ng bagay may kapalit. Nung kinasama ko siya, guminhawa ang buhay naming. Sosyal na sosyal kami.
Ewan ko nga ba, akala ko’y napapamahal na ako sa kanya. Akala ko tuloy-tuloy na kaligayahan namin, yun pala unti-unti niya akong pinapatay. Putang-ina! Sa dami ng lason na isinasaksak niya sa katawan ko, muntik na akong malaspag. Ang daming nagsabi na ang tanga tanga ko. Patalsikin ko na daw. Sa tulong ng mga anak ko. Napalayas ko ang animal pero ang hirap magsimula. Masyado na kaming nasanay sa sarap ng buhay na naranasan namin sa kanya. Lubog na lubog na kami sa utang. Kulang ata pati kaluluwa naming para ibayad sa mga inutang namin.
Sinikap naming lahat maging maganda ang buhay namin. Ayun, mga nasa Japan, Hong Kong, Saudi ang mga anak ko. Yung iba nag-US, Europe. Yung iba ayaw umalis sa akin. Halos lahat, wala naman silbi. Masaya daw sa piling ko, maski na amoy usok ako.
Sa dami ng anak ko na nagsisikap na tulungan ang kalagayan naming, siya din ang dami na ng mga anak ko na nanamantala sa kabuhayan at kayamanan na itinabi ko para sa punyetang kinabukasan naming lahat. Dumating ang panahon na din a kami halos makaahon sa hirap ng buhay. Napakahirap dahil nasanay na kami sa ginhawa at sarap.
Ang di ko inaakala ay mismong mga anak ko, ang tuluyang sisira sa akin. Napaka-sakit tanggapin na malinlang. Akala ko ay makakakita ako ng magiging kasama sa buhay sa mga lalaki na ipinakilala ng mga anak ko. Hindi pala. Ang tanga ko talaga! Binugaw ako ng sarili kong mga anak kapalit ng kwarta at pansamantalang ginhawa na nais nilang matamasa.
Wala akong nagawa dahil sa sobrang pagmamahal ko sa aking mga anak. Wala akong ibang yaman kundi ang ganda ko. Pinagamit ng pinagamit ko ang sarili ko, basta maginhawa lang ang mga anak ko.
Usap-usapan ako ng mga kapit-bahay ko. May nanghihinayang, namumuhi at naawa. Puta na kasi ang isang magandang tulad ko.
Alam mo, gusto ko sanang tumigil sa pagpuputa kaso ang laki talaga ng letseng utang ko eh. Palaki ng palaki. Kulang na kulang. Paano na lang ang mga anak kong naiwan sa aking punyetang poder? Hindi na importante kung laspagin man ang ganda ko, madama ko lang ang pagmamahal ng mga anak ko. Malaman nila na gagawin ko ang lahat para sa kanila.
Sa tuwing tititngin ako sa salamin, alam ko maganda pa din ako. Madami pa din ang bilib sa akin. Napag-uusapan pa din. Sa tuwing nakikita ko ang mukha ko sa salamin, nakikita ko ang mga anak ko. Tutulo na ang luha ko ng di namamalayan. Ang gagaling ng mga anak ko, namamayagpag kahit saan sila pumunta. Mahusay sa kahit anong gawin. Tama man o mali. Proud ako sa kanila. Kaso sila, kabaligtaran ang nararamdaman para sa akin.
Sa dami ng mga anak ko. Iilan lang ang may malasakit sa akin. May malasakit man, nahihilaw. Ni di nga ako kinikilalang ina. Halos lahat sila galit sa isat-isa. Walang gusting magtulungan, naghihilahan pa.ang dami ko ng pasakit na tiniis pero walang sasakit pa nung sarili kong mga anak ang nagbugaw sa akin. Kinapital ang laspag na ganda ko. Masyado silang nasanay sa sarap ng buhay. Minsan sa pagtingin ko sa salamin, ni hindi ko na nga kilala sarili ko.
Ilang buwan na lang Pasko na, sana maalala naman ako ng mga anak ko. Pagkatapos ng Pasko ay Bagong Taon naman. Natatakot ako sa taong darating. Ngayon pa lang usap-usapan na ang susunod na pagbubugaw ng ilan sa mga anak ko. Sana may magtanggol naman sa akin, ipaglaban naman nila ako. Gusto kong isigaw: “INA NINYO AKO! MAHALIN NYO NAMAN AKO!!!”
Sige, dumadrama na ako, masisira na ang make-up ko nito eh. Salamat ha, pinakinggan mo ako.
Ay sorri, di ko nasabi pangalan ko.
PILIPINAS nga pala
-isang napakagandang kwento mula sa : NAMAYAN
Sharing is so Easy: |
hi glenn! kumusta? its been a while! hhahaha.. i have a new personal blog site! http://cupcakestories.info. Bago na pala layout ng site mo ha... anyway, see you on my new blog site..