www.flickr.com

Mga Plano ko sa buhay

Thursday, February 1, 2007 Posted by Glenn

Language: Tagalog. XD

Okay, 12:07 AM ng Oktubre 19 taong 2012. Naisip ko lang magblog. Medyo matagal na kasing panahon since huli akong nagtagalog post dito sa website ko. practice na din ng mabilis na pagtype dito sa laptop kong bulok. Anyway ang average typing speed ko ay 86 words per minute. mabagal pa no? Wish ko lang mag 90 words per minute ako sa future. hehehe.

Bakit ko nga ba naisipan magblog ngayong umaga? Hating gabi at nagbablog. nu kaya yun? Well, nasa gitna kasi ako ng isang matinding pagsubok. lol. Kung saan gagawa ako ng isa sa pinakamalaking desisyon sa buhay ko. :P In fact, this would be my greatest decision in my life so far.
Ano yun? Ang paglipat ng school. haha. Well, ang last and final decision ko talaga ay: "lilipat ako!". :)
Baka ikamatay ko itong pagbblog ko ngayon, so Ill take it easy somehow. Alam nyo ba na once na-encode na ng professor ang grades ng kanyang mga students sa portal ng ue, e wala ng bawian? Boom! Sinasabi ng iba na pwede pang baguhin kaso aabot sa pinakadiyos ng ue ang kaso. hahaha. so wala na talagang pag-asa. ganun lang yun. :)

Hindi ko makakalimutan itong sem na ito. :P Lalo na yung mga prof ko hahaha!...

Anyway, ito ang mga plano ko sa buhay:
Dati, 1. magpayaman. pangalawa 2. magpayaman ulit. 3. magpakasal sa isang perpektong babae.

Haaay. walang silbeng plano at pangarap sa buhay.
Pero dati yun.

Ngayon may papakasalan na ako. hehehe.

Alam nyo, kapag nahanap nyo na ang tunay niyong minamahal, yung tipong alam nyo na sya na. may plano na kayo sa buhay, etc... kakalimutan mo lahat ng mga wala mong kwentang mga plano at pangarap. Yung magpayaman? Sus, magiging normal nalang yan kung gusto mo. :) I mean, magiging ok nalang sayo yun magkaroon ng normal na buhay, yung walang hirap at wala din ganong yaman, basta walang problema sa pera at walang problema pagdating sa mga gusto mong bilhin. Bakit? kasi nga kasama mo na yung pinakamamahal mong tao sa buhay mo e :)

Well, of course maganda din yung mayaman ang pamilya nyo. ehehe.

Ang girlfriend ko kasi ay call center agent. So hindi gaanong kalakihan ang sweldo. Although malaki na siya para sa iba, para samin ay hindi siya gaanong malaki. So ayun, yung dati kong plano was maging professor.
E nasabi at napansin ko na, hindi kami yayaman sa pagtuturo ko. Gusto ko maging professor, pero gusto ko umunlad kagad kagad. :) Kasi gusto ko na pakasalan yung mahal ko e. hahahah. Gusto ko na maging stable ang buhay namin as soon as possible.

so ito na talaga:
1. Maging Empleyado ng Azure Company hahah! Gusto ko malakihang sweldo agad e, I think I deserve it naman. choss. Or ng mas mataas na Company.
2. Mag work as a professor (sideline) every saturdays sa any university. Sa caloocan sana, pero I think hindi ko na talaga kakayanin bumalik doon. hehehe

Sa ngayon kasi nagiipon na kami ng gf ko pampakasal. So far approaching na sa 10k yung ipon namin galing sa sahod niya. :) And may 10k na din ako sa bangko pambili ng bahay namin. :) hehe. so all set na! :) Wala pa diyan ang sweldo ko. hahah!

3. Magpakasal sa dream girl ko!! RAWR! Of course yung dream girl ko ay yung gf ko. :P
4. Magkabahay
5. Magkaanak ng tatlo o dalawa o apat. Mas maganda din yung marami, kaso masakit sa ulo yun. haha. Kapag marami kang anak, at successful silang lahat, aba, mapalad ka kapatid, hahaha.

So ayun, Guys, kapag na-inlove kayo ng sobra, yung tipong alam niyong siya yung tinadhana ng Panginoong Diyos para sa inyo, yung nagiipon na kayo para sa kasal niyo, at sa future nyo, lahat lahat ng mga makamundo nyong pangarap, kagaya ko, such as magpakasal sa isang koreyanang sobrang ganda at mayaman, magpakayaman, etc... e makakalimutan niyo at iiwan nyo. :)

So ayun ulit. Good Luck sakin sa pagpasok ko sa ibang university!
Sa ngayon, ako ay nagsisipag magadvance study sa mga circuit, nagpapakabihasa sa mga kachorvahan sa hard disk, microcontroller, kasi alam kong ako ang magbubuhat sa project design namin sa 5th year 2nd sem (thesis) or more likely ako ang magbubuhat sa sarili ko, kasi baka magsolo lang ako. :)

God Bless!
-glenn posadas

glenn von

Author: Glenn Posadas

20 year old 5th year Computer Engineering Student, a blogger, photographer, programmer, and an electronics hobbyist; a Christian who loves God very much..

Sharing is so Easy:
StumpleUpon DiggIt! Del.icio.us Blinklist Yahoo Furl Technorati Simpy Spurl Reddit Google Twitter FaceBook

Labels: ,
  1. Anonymous

    you know what, i totally agree. i think i found mine too. we have plans for our future now and we are a step ahead. i totally agree with you :)

  2. Tell me your name. HAHAHA :)
    That's cool! God Bless!

Post a Comment

Drop a comment. Thank you guys!