Opinyon sa demolisyon
I don't know kung saan nanggaling ang litratong ito. Basta nakita ko ito sa facebook at humigit kumulang walong libo na ang nag-share nito sa kani-kanilang mga fb walls.
Kung susuriin, para itong demolisyon sa mga bahay ng mga iskwater.
Nakikita niyo ba yung main-attraction na kumag na lalaking sumipa sa kawawang matandang lalaki? Dapat diyan, kinikiliti ng sobra pa sa 220V AC 60Hz na kuryente mula sa silya-electrika ni Thomas Alva Edison(segway: si Edison di umano ang nagimbento ng silya-elektrika, binayaran niya lamang ang kanyang mga apprentice dahil sa kasalukuyang Current-War, AC VS DC, ayan may trivia na kayo!).
Anyway, nakakainis yung gunggong na lalaking sumisipa sa picture. Grrrr. Bwisit! Siguro nainis lang yung lalaki dito kasi napakatigas minsan ng ulo ng mga naninirahan sa squatter's area. Bibigyan naman sila ng bagong bahay tapos ayaw pa lumipat. Parang sinabi mo ng ganito: "Nahulog na yung pandesal mo, marumi na iyan, pabayaan mo na, bigyan nalang kita ng Red Ribbon Cake" subalit ayaw pa din tanggapin. Haaaist! Logic talaga ng mga tao oh! Valid naman ang reasons ng gobyerno. Bakit ayaw niyo pa sumunod? Kaya may mga nasasaktan pa e. Kaya hindi umuunlad ang Pilipinas dahil sa iba na matitigas ang ulo. Simpleng batas, susuwayin such as Jay-Walking (ahem! Naitry ko ito minsan, pero safe na safe na jaywalking lang. hahaha unlike yung iba na tumatawid sa edsa kaya namamatay).
That's All Folks!
-glenn
Sharing is so Easy: |