Bakit dumadami ang mga kabataang nabubuntis?
Friday, November 25, 2011
May mga kaibigan ba kayo sa FACEBOOK, TWITTER, PLURK, TUMBLR na 'teenanager' na popost ng kani-kanilang mga litrato o nagbblog about sa buhay-buntis nila?
Parehas tayo (kung meron). hahaha. Hindi ba kayo naiinis o natatawa kasi pinagmamalaki pa nila ang kanilang ka-engotan. (Oh kung sapul ka dito, wag kang epal. :P. Blog ko 'to). Mga kababaihang nakikipag-sex pero hindi alam ang ginagawa. Anyways, hindi natin sila masisisi. Uhmm, kung tayo nga naman ang nasa sinapupunan nila, hindi talaga natin gugustuhin ang kamuhian nila tayo. :( Hindi naman sa pinamumukha ko sa kanila ang kanilang mga kamalian, pero pinapamuhka ko talaga sa kanila. hahaha. Ganyan talaga ang buhay. Kung may pangarap ka, dapat hindi ka nakikipag-sex hangga't hindi secured ang future mo. Hindi natin sila masisisi. Masarap talaga ang sex. How did/do I know? Ewan, pero tanungin mo magulang mo, hahaha. Tingnan natin kung ano ang masasabi nila.
Some 16.5 million Filipinos belong to the 15-24 year old age group. We are forced with a glaring truth that at a very young age, a lot of young people today have children of their own. 30 % of all births belong to this age group; and by the age of 20, 25% of the youth are already mothers. Statistics show that every year at least 64,000 teenagers have abortions, and those are statistics from a country where abortion is illegal, yet we claim we are Catholics, who are preserving and valuing life.-allvoices.com
CLICK THE IMAGE ABOVE
Nakakalungkot isipin na, grabe na ang panahon ngayon, mahirap talaga ang walang magulang na gumagabay sa iyo. At mas lalong mahirap magkaroon ng anak na babae. Sakit sa ulo. Ah, siguro pati na din ang lalaki. hahahah. Kung babae, baka mabuntis agad. Kung lalaki, baka makabuntis agad. Anyways, depende yan sa pagpapalaki natin, I mean, sa mga magiging anak natin. Mayron ngang mga matatalinong babae pero nabubuntis eh. Haaist. Pero wala pa akong narinig na Christian na babae na nabuntis ng maaga. :) Tatapusin ko na ang post kong ito, ang layunin naman talaga nito ay bigyan ng takot ang mga kabataang katulad ko, at bigyan ng paalala: "Use condoms". xD. Kung makikipag-sex, dapat alam nyo ang ginagawa ninyo. Katulad sa gera, kung sasali tayo sa gera, dapat alam natin na pwede tayong mamatay, makapatay, at makasakit ng mga minamahal natin sa buhay. Ayos ba?
Sharing is so Easy: |
Labels:
blog
tigilan mo na nga kakablog mo. puro pagmamalinis naman ginagawa mo.
^ inggit ka lang koya